• Wed. Apr 17th, 2024

    Cavite News

    Upholding Truth

    Flashback: Kakatakot na Bahay Salakay sa Kawit, Cavite

    Flash Back: Isang babae sa Kawit, Cavite ang pwersahang inaresto ng ilang kalalakihan sa kanilang tahanan.

    Ang biktima ay nakatira sa Kawit, Cavite

    Viral ngayon sa social media ang isang CCTV footage ng isang babae na tahasang hinuhuli at sinaktan ng ilang kalalakihan.

    Batay sa Facebook group na nag-upload ng video, kinilala ang naturang babae na si Dana Jamon na mula sa Barangay Tabon 2 Kawit, Cavite.

    Sa Kuha, makikita ang biglang pagpasok ng apat na lalaki na panay nakatakip ang mukha. Nagulat naman si Jamon at ang kaniyang mga anak na nagulat sa pagpasok ng mga ito sa kanilang tahanan.

    Nang sapilitang hilahin sa buhok at saktan upang mapalabas ng kanilang bahay si Jamon, maririnig at makikita ang pag-iyak ng kaniyang mga anak na menor de edad.

    Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung bakit sapilitang inaresto ang babae ngunit mapapanood sa CCTV footage na walang ipinakitang warrant of arrest ang mga kalalakihan at hindi man lamang nabigyan ng tamang pag-aresto ang babae.

    Umabot na sa 26k reactions at 20k comments ang naturang video na unang in-upload sa Facebook group na Philippines CCTV & Dash Cam Spotted.

    Video courtesy of Apple Grace I Philippines CCTV & Dash Cam Spotted