LGU and GovernanceTanong at Katotohanan: Nasaan ang P2.7 Bilyong Pondo ng...

Tanong at Katotohanan: Nasaan ang P2.7 Bilyong Pondo ng Kawit?

-

- Public Service Reminder -spot_img

Haharapin natin ngayon ang isang katotohanan na marahil ay hindi ninyong naririnig sa mga opisyal ng ating bayan. Tingnan ninyong mabuti ang larawan sa itaas — ang Kawit ay may 20.47% na paglago ng kita ngunit tanungin natin ang ating mga sarili: Naramdaman ba natin ito?

Ang Hindi Nakikitang Yaman

Nasaan ang P2.7 bilyong pisong pondo ng ating munisipyo mula 2022 hanggang 2025? Ito ang tanong na dapat nating harapin. Samantalang ang ekonomiya ng Kawit ay lumalaki ayon sa mga statistics at data, bakit ang ordinaryong mamamayan sa laylayan ng lipunan ay hindi pa rin nakararamdam ng tunay na pag-unlad?

Nagmamayabang ang pamahalaang lokal sa paglago ng ekonomiya, ngunit ang katotohanan ay nananatiling mahirap ang kalagayan ng maraming Kawitenyo. Ang pagkakaiba ng mayayaman at mahihirap ay lalong lumalaki.

Pangakong Napako ni Mayor Angelo Aguinaldo

Saan napunta ang mga pangakong trabaho para sa ating mga kababayan? Marami pa rin ang walang hanapbuhay o nasa hindi sapat na empleyo. Ang mga proyektong ipinangako na magpapagaan sa buhay ng mga Kawitenyo — nasaan na? Ang ating mga kalsada, mga pasilidad pangkalusugan, mga paaralan — nakikita ba natin ang malaking pagbabago na dapat ay dala ng bilyun-bilyong pisong pondo? May solusyon ba ang baha sa Kawit?

Ayuda Bilang Pananakot

Mas nakababahala pa, ginagamit ang pagbibigay ng ayuda bilang isang paraan upang kontrolin ang mga mamamayan. Ang tulong na dapat ay karapatan ng bawat Kawitenyo ay naging kasangkapan para hawakan sa leeg ang mga nangangailangan. Ginagawa itong paraan upang makuha ang inyong boto, ang inyong katahimikan, ang inyong pagsunod.

Ngunit hindi ito ang tunay na solusyon. Hindi ang panandaliang ayuda ang magpapaunlad sa buhay ng Kawitenyo kundi ang pagkakaroon ng disente at maayos na TRABAHO.

Isang Bagong Pag-asa

Ang tambalang Abaya-Ramos ay nagdadala ng bagong pananaw para sa Kawit — isang pananaw kung saan ang kaunlaran ay para sa lahat at hindi lamang sa iilan. Hindi panandaliang ayuda kundi pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho at pagpapalakas ng ekonomiya mula sa pinakamababang antas.

Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi nasusukat sa dami ng ayudang ipinamamahagi tuwing eleksyon. Nasusukat ito sa paglikha ng isang lipunan kung saan ang bawat Kawitenyo ay may pagkakataong umangat sa pamamagitan ng kanilang sariling kakayahan at pagsisikap.

Pagpili ng Tunay na Pagbabago

Panahon na upang tayo ay gumising. Panahon na upang humingi ng pananagutan. Panahon na upang piliin ang tunay na pagbabago — hindi ang pagbabagong nakabalot sa magagandang pangako ngunit ang pagbabagong mararamdaman ng bawat mamamayan ng Kawit, Cavite.

Ang tambalang Abaya-Ramos ay hindi lamang nagbibigay ng pangako kundi nagbibigay ng plano — isang plano para sa isang Kawit kung saan ang lahat ay kasama sa pag-unlad, kung saan ang trabaho ay para sa lahat, at kung saan ang pera ng bayan ay tunay na napupunta sa bayan.

Ang tunay na pagbabago ay hindi mangyayari kung tayo ay magpapatuloy sa old at bulok na sistema. Kailangan natin ng pamumuno na TUNAY na para sa Bayan, TUNAY na para sa Tao.

Sa darating na halalan, ating isaisip: Ang boto natin ay hindi lamang para sa isang tao kundi para sa kinabukasan ng ating bayan. Piliin natin ang Kawit na tunay na itinataguyod ang kapakanan ng bawat Kawitenyo.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

cavite.news
cavite.newshttps://cavite.news
We, the people of Cavite, recognize that in order to achieve our goals and aspirations, we need to be empowered and well-informed of the news and events that affect us and our cities and towns. We need to have access to accurate, relevant, and timely information that will enable us to make informed decisions and take appropriate actions.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Elderly woman killed in hit-and-run involving bus in Dasmariñas, Cavite

DASMARIÑAS, Cavite — An elderly woman was killed after she was hit by a bus in a hit-and-run incident...

Motorists, commuters face long delays in Nuvali to Tagaytay

Motorists and commuters who regularly pass SM Nuvali and the Santa Rosa–Tagaytay Road say heavy traffic is eating up...

Dasmariñas opens free animal park with 92 life-sized dinosaur, animal sculptures

DASMARIÑAS, Cavite — The city of Dasmariñas opened a new family-oriented educational attraction, the Play and Discover Animal Park,...

Maragondon mayor meets with Cavite State University on possible local campus

MARAGONDON, Cavite — Mayor Lawrence "Umbe" Arca has begun talks with Cavite State University's main campus on the possibility...
- Advertisement -spot_imgspot_img

Tagaytay City Government Honors Fight Night Winners, Coaches

TAGAYTAY CITY, Cavite — The city government has recognized national athletes and coaches of the Samahang Kickboxing ng Pilipinas...

Our Lady of Fatima University to open Dasmariñas campus in 2027

Our Lady of Fatima University to open Dasmariñas campus in 2027 DASMARIÑAS, Cavite — Our Lady of Fatima University is...

Must read

Pet cremation firm offers free services to owners of animals

A pet cremation company has offered to cremate free...

High power bills push Caviteños to turn to solar energy

CAVITE, Philippines — Soaring electricity bills are driving more...
- Advertisement -spot_imgspot_img

You might also likeRELATED
Recommended to you