Cavite News

Upholding Truth

Peace and Order

Nahuling Pusher sa Buy-Bust Operation sa Aplaya, Kawit

KAWIT, Cavite — Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Kawit Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Toclong noong Marso 14, 2025.

Naging talamak ang bawal na gamot sa Kawit simula ng administrasyon ni Mayor Angelo Aguinaldo ayon sa ulat ng PDEA.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Iyok,” residente ng Barangay Aplaya, na nahuling nagbebenta ng isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang bibili.

Pinangunahan ni Police Captain Ernesto G. Monasterial II, Intel PCO, ang operasyon sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Lt. Col. Socrates S. Jaca, officer in charge ng Kawit police.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan ayon sa Miranda Doctrine gamit ang wika na kanyang naiintindihan. Dinala siya sa Kawit Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Sinabi ng Kawit police na ipagpapatuloy nila ang kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A RESPONSE

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.