P75M na Budget Shortfall sa Kawit Naitala ng COA sa 2021

P75M na Budget Shortfall sa Kawit Naitala ng COA sa 2021

Ang Commission on Audit (COA) ay naglabas ng ulat na nagpapakita ng malaking kakulangan sa budget ng bayan ng Kawit, Cavite sa ilalim ng pamahala ni Mayor Angelo Aguinaldo para sa taong 2021, na umabot sa mahigit P75.7 milyong piso.

Mga Pangunahing Natuklasan

Ayon sa COA audit report, ang munisipyo ay nakakuha lamang ng P414,151,370.87 mula sa inaasahang P489,941,057.26 na kita, na nagresulta sa kakulangan na P75,789,686.39 o 15.47% ng target.

Detalyadong Breakdown ng Revenue Collection:

Mga Lokal na Pinagkukunan:

  • Target: P279,872,295.26
  • Aktwal: P195,406,057.94
  • Kakulangan: P84,466,237.32

Tax Revenue:

  • Target: P180,374,180.20
  • Aktwal: P102,892,265.45
  • Kakulangan: P77,481,914.75

External Sources:

  • Target: P210,068,762.00
  • Aktwal: P218,745,312.93
  • Sobra: P8,676,550.93

Budget Deficit

Ang kabuuang kita na P414,151,370.87 ay kulang pa rin sa kabuuang gastos na P489,543,586.73, na nagresulta sa budget deficit na P75 Million.

Pangunahing Gastos:

  • Personal Services: P95,853,366.20
  • Maintenance and Other Operating Expenses: P282,382,458.45
  • Capital Outlay: P51,307,762.08

Limang Taong Trend ng Koleksyon

Ang COA ay nagtala rin ng collection rate ng bayan sa nakaraang limang taon:

TaonAnnual BudgetActual CollectionsPercentage
2021P489,941,057.26P414,151,370.8784.53%
2020P476,372,442.26P364,500,021.2676.52%
2019P388,533,330.61P319,066,973.6882.12%
2018P388,533,330.61P260,791,829.9667.12%
2017P295,436,211.72P219,788,878.3974.39%
2016P207,176,667.51P181,883,818.9087.79%

Mga Dahilan ng Kakulangan

Ang COA ay tumukoy sa mga sumusunod na dahilan ng revenue shortfall:

  1. Kakulangan ng Local Finance Committee (LFC) sa pagtukoy ng tamang projected income
  2. Hindi nasunod ang Section 316 ng Republic Act No. 7160 (Local Government Code)
  3. Hindi naging epektibo ang budget planning at implementation ng mga Planned Projects/Activities (PPAs)


Discover more from

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.