Cities and TownsCITF Nagsagawa ng Road Clearing Operation sa Imus

CITF Nagsagawa ng Road Clearing Operation sa Imus

-

- Public Service Reminder -spot_img

Imus, Cavite – Muling ininspeksyon ng City of Imus Task Force (CITF) ang mga pangunahing daan sa Imus mula noong Lunes, Enero 8, hanggang Linggo, Enero 12, 2024, bilang bahagi ng kanilang road clearing operation.

Ayon kay CITF head Rommel Encarnacion, ilang mga sasakyan at ambulant vendor ang napatunayang lumabag sa City Ordinance No. 05-195 taong 2022 o ang revised Road Clearing Ordinance of the City of Imus at sa Traffic Code of the City of Imus, kung saan ipinagbabawal ang anumang uri ng mga sasakyan at istrakturang nakaharang sa mga pampublikong daan at sidewalk sa Imus.

Ang mga sasakyan namang lalabag dito ay lalagyan ng clamp at makatatanggap ang may-ari ng Violation Form. Para matubos ang kanilang mga sasakyan, maaari silang makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng CITF. Matatagpuan ang mga ito sa 4th floor, Imus City Government Center, Brgy. Malagasang 1-G at sa Old Sangguniang Panlungsod Building, Brgy. Poblacion 4-B. Maaaring tubusin ang mga na-clamp na sasakyan tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 4:30 PM.

Huwag kalimutang dalhin ang Violation Form at ihanda ang babayarang multa ayon sa uri ng sasakyan:

Uri ng SasakyanMulta
Motorcycles, e-bicycles, tricycles, and e-tricycles (2 to 3 wheels)P500.00
Light motor vehicles (4 wheels)P2,000.00
Medium motor vehicles (6 wheels)P3,000.00
Heavy motor vehicles (8 to 10 wheels)P4,000.00
Super heavy motor vehicles (12 to 20 wheels)P5,000.00
Imus LGU imposes the above penalties.

Muling pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang publiko na sumunod sa road clearing ordinance ng Imus. Isinasaad nito na walang anumang bagay o istraktura ang dapat na humaharang sa mga pampublikong daanan ng mga tao at ng trapiko. Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada ng Imus.

Ang mga mahuhuling lumalabag sa ordinansa ay maaaring harapin ang kaukulang parusa. Hinihikayat din ang mga mamamayan na magbigay ng feedback o reklamo sa CITF hotline na (046) 471-8888 o sa kanilang Facebook page na City of Imus Task Force.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

cavite.news
cavite.newshttps://cavite.news
We, the people of Cavite, recognize that in order to achieve our goals and aspirations, we need to be empowered and well-informed of the news and events that affect us and our cities and towns. We need to have access to accurate, relevant, and timely information that will enable us to make informed decisions and take appropriate actions.

1 COMMENT

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Residents in Imus Complain Over Incomplete Flood Control Project

IMUS, Cavite — Residents of Malagasang in Imus City, Cavite are raising complaints over an unfinished flood control project...

Cavite’s Paliparan-GMA bypass road nears completion, seen to boost connectivity

Construction of the Paliparan-GMA Bypass Road in Cavite is nearing completion, with officials saying the project will help ease...

Minor Nabbed in Cavite for Online Gender-Based Violence

IMUS CITY, Cavite — A 15-year-old boy was taken into custody after an entrapment operation in Cavite for allegedly...

Hindi Lang sa Bulacan at Manila – Cavite’y Mas Nababaha

Isang Paalala sa mga Namumuno: Ang Baha ay Hindi Pumipili ng Lugar Sa tuwing umuulan nang malakas, nagiging viral ang...
- Advertisement -spot_imgspot_img

Silang LGU clarifies suspension of flood control projects

SILANG, Cavite — The municipal government of Silang issued a statement Tuesday clarifying that the suspension of flood control...

CAVITEX Northbound Lane Closed for Pavement Repairs Until Sept. 27, 2025

The Cavite Expressway (CAVITEX) pavement repair program has entered its third and fourth phases, with lane closures expected to...

Must read

Offset Shares a Video of Cardi B Giving Birth to Baby Kulture

What was expected of her was the same thing...
- Advertisement -spot_imgspot_img

You might also likeRELATED
Recommended to you