Nabunyag sa ulat ng Commission on Audit (COA) ang mga iregularidad sa paggamit ng P167 milyong pondo para sa COVID-19 response ng Munisipalidad ng Kawit, Cavite noong 2020.
Ayon sa ulat ng COA, mayroon 41 insidente kung saan ang Munisipalidad ay nag-isyu ng iisang tseke para sa dalawa hanggang 37 magkakaibang claims o Disbursement Vouchers (DVs) sa parehong recipient. Lumalabag ito sa Section 111 ng Presidential Decree No. 1445, na nagsasabing dapat maayos at detalyado ang pagtatala ng mga transaksyon.



Pinakamataas na benepisyaryo si Mayor Angelo Emilio G. Aguinaldo, na tumanggap ng pitong hiwalay na tseke na may kabuuang halaga na โฑ2,638,747.62. Kasama sa mga tseke:
- โฑ333,777.17 (Hulyo 6, 2020)
- โฑ269,311.42 (Hulyo 28, 2020)
- โฑ286,339.34 (Hulyo 28, 2020)
- โฑ152,843.13 (Oktubre 27, 2020)
- โฑ308,000.00 (Nobyembre 3, 2020)
- โฑ825,333.00 (Disyembre 14, 2020)
- โฑ482,300.00 (Disyembre 23, 2020)
Ang COA audit team ay nagspend ng malaking oras para hanapin ang mga DVs dahil pinagsama-sama ng Municipal Treasurer ang ilang DVs ng parehong recipient at nagtala ng iisang transaksyon sa Cashbook at Check Disbursements Journal. Hindi rin nagtala ng detalyadong rekord ang Municipal Accounting Office.
Karamihan ng disbursements ng Munisipalidad ay nauugnay sa COVID-19 pandemic. Tumanggap ang bayan ng Kawit ng โฑ167,084,161.93 para sa mga programa laban sa pandemya, kung saan โฑ153,890,973.30 ang nagamit.
Nag-rekomenda ang COA na iutos ng Municipal Mayor sa Municipal Treasurer na ihinto ang pagkonsolida ng maraming claims o DVs sa iisang tseke upang matiyak ang mas epektibong pagsubaybay sa mga indibidwal na transaksyon.
Ang pinakamalaking pagkakagulan ng pondo ay ang mga donasyon (โฑ68,483,000.00) at welfare goods (โฑ63,077,543.94), subalit walang malinaw na detalye kung sino-sino ang mga tumanggap ng mga ito o kung paano ito ipinamamahagi.
Ang โฑ13,193,188.63 ay natira bilang balanse sa pondo sa katapusan ng taon.
Discover more from Cavite News
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




