LGU and GovernanceP67.2-Million Pondo ng Kawit Walang Dokumento: COA Binatikos ang...

P67.2-Million Pondo ng Kawit Walang Dokumento: COA Binatikos ang Pamumuno ni Mayor Angelo Aguinaldo

-

- Public Service Reminder -spot_img

KAWIT, CAVITE — Isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na may kabuuang P67,283,219.78 ang ginastos ng Pamahalaang Bayan ng Kawit para sa mga goods at serbisyo kaugnay ng COVID-19 operations noong 2020 na hindi dumaan sa wastong dokumentasyon at proseso ng procurement, batay sa ulat ng audit.

Sa ilalim ng COA report, lumabag umano ang LGU ng Kawit sa mga probisyon ng Republic Act No. 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) at sa mga patakaran ng Government Procurement Policy Board (GPPB) Circular No. 01-2020.

Ilan sa mga dokumentong kulang o hindi naisumite ay ang Omnibus Sworn Statement (OSS), Business o Mayor’s Permit, at Income Tax Return — mga pangunahing requirement sa emergency procurement.

Hindi lamang ito. Ayon sa COA, marami sa mga disbursement vouchers (DVs) ng mga transaksyon mula Marso hanggang Disyembre 2020 ay walang kalakip na Purchase Request, Price Quotations, Official Receipts, Delivery Receipts, Inspection and Acceptance Report, at iba pang kinakailangang dokumento.

Sa ilang kaso, kulang pa sa pirma at detalye ang mga isinumiteng papeles.

Binanggit sa ulat na ito ay tahasang paglabag sa Sections 4.5 at 4.6 ng Presidential Decree 1445, na nagsasaad na ang paggasta ng pondo ng bayan ay kailangang suportado ng kumpletong dokumentasyon at may pahintulot ng wastong mga opisyal.

Ang masaklap, sa kabila ng malinaw na kakulangan sa dokumento, ay patuloy pa ring naiproseso at nabayaran ang mga claim, na ayon sa COA ay nagdudulot ng “pagdududa sa bisa at integridad ng mga transaksyon.”

Bilang punong ehekutibo ng bayan ng Kawit, si Mayor Angelo Aguinaldo ang may pangunahing pananagutan sa pamamalakad ng pondo ng bayan.

Ang ganitong uri ng kapabayaan o katiwalian ay isang malinaw na anyo ng pag-abuso sa kapangyarihan sa panahon ng krisis kung kailan higit na kailangan ng mamamayan ang tapat at maayos na serbisyo mula sa pamahalaan.

Inaasahan ngayon ng taumbayan ang agarang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso kung mapatutunayang may naganap na iregularidad at korapsyon sa pamahalaang lokal ng Kawit sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Aguinaldo.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

cavite.news
cavite.newshttps://cavite.news
We, the people of Cavite, recognize that in order to achieve our goals and aspirations, we need to be empowered and well-informed of the news and events that affect us and our cities and towns. We need to have access to accurate, relevant, and timely information that will enable us to make informed decisions and take appropriate actions.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

South Korean National Facing 14 Rape, Sexual Assault Charges Arrested in Cavite

SILANG, Cavite — Police arrested a South Korean national listed as a Regional Level Most Wanted Person during a...

Dasmariñas Barangay Captain Sought After Killing Neighbor

DASMARIÑAS, Cavite — Authorities are searching for a barangay chairman who allegedly shot and killed a neighbor following a...

62 Imus families receive new homes under city’s first rental housing project

IMUS CITY, Cavite — A total of 62 families have received new homes under the AAngat Residences program, the...

Free 5K Run Event for Imus Residents Set for October 26, 2025

Imus City, Cavite – A free 5-kilometer running event will be held here on Oct. 26, 2025 sponsored by...
- Advertisement -spot_imgspot_img

New Road in Cavite Aims to Ease Congestion, Spur Development

DASMARIÑAS, Cavite— A new spur road is under construction here, part of a modern infrastructure push to improve connectivity...

Silang among top hotspots as flu-like illnesses shoot up in Cavite

Cases of influenza-like illness (ILI) have surged in the town of Silang, Cavite, placing it among the top five...

Must read

New Road in Cavite Aims to Ease Congestion, Spur Development

DASMARIÑAS, Cavite— A new spur road is under construction...
- Advertisement -spot_imgspot_img

You might also likeRELATED
Recommended to you