Flash ReportMalaking Kakulangan sa Kita at Pondo: Kawit, Cavite Nahaharap...

Malaking Kakulangan sa Kita at Pondo: Kawit, Cavite Nahaharap sa P98.9-M Cash Deficit: COA

-

- Public Service Reminder -spot_img

KAWIT, CAVITE – Isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na nabigo ang Pamahalaang Bayan ng Kawit sa ilalim ni Mayor Angelo Aguinaldo na maabot ang target nitong kita para sa taong 2020, kung saan umabot sa nakakabahalang P99,488,391.01 ang hindi nakolektang kita.

Bunga nito, nagtapos ang taon sa malaking cash deficit na P98,900,999.41 – senyales ng malubhang kakulangan sa pamamahala ng pananalapi at posibleng katiwalian sa lokal na pamahalaan ni Aguinaldo.

Ayon sa ulat, tanging 60.69% lamang ng inaasahang kita mula sa lokal na buwis at non-tax revenue ang nakolekta, katumbas ng P153.5 milyon mula sa target na P253 milyon.

Ayon sa COA, tanging ang “Other Income and Receipts” lang ang lumagpas sa inaasahan – posibleng indikasyon ng maling pagtantiya o pagmamaniobra ng datos.

Nabunyag na Kapalpakan ng Local Finance Committee
Tinukoy ng COA ang Local Finance Committee ng Kawit sa hindi nito pagtupad sa tungkulin nitong tukuyin ang makatotohanang projected income para sa taon, taliwas sa Section 316(a) ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code.

Ang kapabayaang ito ay nagdulot ng cash overdraft, bagay na tahasang ipinagbabawal ng batas.

Paglabag sa RA 7160: Posibleng Ilegal ang Paglalaan ng Pondo
Sa ilalim ng Section 337 ng RA 7160, malinaw na ipinagbabawal ang overdraft o ang paglalabas ng pondo na lampas sa aktwal na koleksyon.

Ngunit sa kaso ng Kawit, naglabas ang pamahalaan ng mga pondong walang sapat na salaping backup, at ginamit pa ang mga pondo na nakalaan sana para sa disaster response (LDRRMF) at development fund.

Saan Napunta ang Bilyon-Bilyong Pondo?
Lumilitaw rin sa report na mayroong P127.3 milyon na kabuuang current liabilities habang tanging P39.9 milyon lamang ang cash and cash equivalents.

Bukod pa rito, nagkaroon ng deficit na P22.2 milyon sa pagitan ng kabuuang kita (P348.9 milyon) at kabuuang gastusin (P371.1 milyon) para sa taong 2020.

Katiwalian at Kawalang-Disiplina ang Nakikitang Ugat
Ayon sa ilang lokal na tagamasid, ang mga numerong ito ay patunay ng matagal nang problema sa transparency at accountability sa pamahalaang lokal ng Kawit.

Isang residente ang nagsabing, “Bakit taon-taon ay may ganitong deficit? Saan napupunta ang pera ng bayan?”

Nanawagan ang COA ng masusing imbestigasyon, kabilang ang posibilidad ng pananagutan ng mga opisyal ng Local Finance Committee, Budget Officer, at mismong Local Chief Executive o Mayor.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

cavite.news
cavite.newshttps://cavite.news
We, the people of Cavite, recognize that in order to achieve our goals and aspirations, we need to be empowered and well-informed of the news and events that affect us and our cities and towns. We need to have access to accurate, relevant, and timely information that will enable us to make informed decisions and take appropriate actions.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Cavite City to Hold Public Hearing on Aquaculture Regulation Ordinance

CAVITE CITY, Cavite — The City Council will conduct a public hearing Nov. 14, 2025 on a proposed ordinance...

Alfonso, Cavite to Cut Business Tax for Small Stores by Half Starting 2027

ALFONSO, Cavite — The local government of Alfonso, Cavite, will reduce business taxes for small neighborhood stores, or sari-sari...

Imus City Hall Conducts Surprise Drug Tests for All Barangay Officials

IMUS, Cavite — Officials from all 97 barangays in this city underwent a surprise mandatory drug test Thursday as...

Father, 5-Year-Old Son Killed in Dasmariñas Hostage Standoff; Second Child Wounded

DASMARIÑAS, Cavite — A 5-year-old child and his father died Monday after the man took his two children hostage...
- Advertisement -spot_imgspot_img

Cavite Board Member Dela Cuesta Passes Away

DASMARIÑAS Mayor Jenny Barzaga expressed the city's condolences following the death of Board Member Jun Dela Cuesta. In a statement...

Ateneo de Manila to Open New Campus in Cavite by 2030 in GT Capital Partnership

GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Ateneo de Manila University announced Monday that it will open a new campus in...

Must read

New Road in Cavite Aims to Ease Congestion, Spur Development

DASMARIÑAS, Cavite— A new spur road is under construction...

Offset Shares a Video of Cardi B Giving Birth to Baby Kulture

What was expected of her was the same thing...
- Advertisement -spot_imgspot_img

You might also likeRELATED
Recommended to you