LGU and GovernanceMayor Aguinaldo Binulgar: Kawit Nalugmok sa Milyon-milyong Deficit, Paulit-ulit...

Mayor Aguinaldo Binulgar: Kawit Nalugmok sa Milyon-milyong Deficit, Paulit-ulit na Kapalpakan sa Pondo

-

- Public Service Reminder -spot_img

Mayor Angelo Emilio G. Aguinaldo ng Kawit, Cavite, sinilip sa umano’y kapabayaan at iregularidad sa pamahalaan; COA report inilatag ang kakulangan sa pondo at pamamalakad

KAWIT, CAVITE — Nahaharap sa matinding batikos si Kawit, Cavite Mayor Angelo Aguinaldo matapos lumabas sa 2021 Commission on Audit (COA) report ang malalaking kakulangan sa pondo, iregular na paggamit ng Development Fund, at patuloy na pagkalugi ng lokal na pamahalaan sa loob ng siyam na taon.

Batay sa audit report, nagkaroon ng kabuuang cash deficit o overdraft ang Kawit LGU na umabot sa P79.48 milyon sa pagtatapos ng taong 2021. Ito ay bunga ng kakulangan ng aktwal na cash upang tustusan ang mga kasalukuyang obligasyon at patuloy na appropriations mula sa 20% Development Fund.

Sa breakdown ng ulat, ang General Fund ay may cash overdraft na P76 milyon, habang ang Trust Fund ay nagkulang ng P3.48 milyon, na malinaw na labag sa Section 337 ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code, na tahasang nagbabawal sa pagkakaroon ng overdraft sa pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Bukod sa malinaw na paglabag sa batas, ipinunto rin ng COA na kulang na kulang sa performance ang revenue collection ng bayan, kung saan tanging 69.82% lamang ng target income ang nakolekta noong 2021.

Sa halip na makalikom ng mahigit P279.8 milyon, tanging P195.4 milyon lamang ang naabot — isang kakulangan na umabot sa P84.4 milyon.

Paulit-ulit na Kabiguan

Hindi ito unang pagkakataon na nagkulang sa pondo ang pamahalaang lokal.

Mula pa noong 2012, taon-taon ay paulit-ulit na lumilitaw sa audit ang pagkakaroon ng deficit — ang pinakamatindi ay noong 2012 na umabot sa mahigit P103 milyon, at patuloy itong inuulit hanggang sa kasalukuyan.

Sa kabila ng mga rekomendasyon ng COA, walang nakikitang konkretong aksyon mula sa administrasyon ni Mayor Aguinaldo.

Kawalan ng Epektibong Pamamalakad

Tinukoy ng COA ang kakulangan ng maayos na fiscal planning at kontrol sa paggastos bilang pangunahing dahilan ng problema.

Inirekomenda nila na ang Local Finance Committee (LFC), sa pamumuno ng alkalde, ay dapat magsagawa ng masinsinang pagsusuri sa koleksyon ng buwis at kita, at tiyakin na ang paggastos ay naaayon sa aktwal na kinikitang kita ng bayan.

Ngunit ayon na rin sa paliwanag ng management, hindi natupad ang mga planong dagdag kita, kabilang na ang inaasahang pagtaas ng koleksyon mula sa real property taxes na bigong maipatupad. Isa sa mga dahilan umano ay ang kawalan ng aksyon at ang epekto ng pandemya — isang palusot na hindi tinanggap ng maraming residente na matagal nang bumabatikos sa kawalan ng transparency sa local government.

Hinaing ng Mamamayan

Lumalakas ang panawagan ng mga residente at watchdog groups na imbestigahan si Mayor Angelo Aguinaldo sa umano’y kapabayaan at posibleng katiwalian.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagkakautang ng bayan, hindi umano nararamdaman ng taumbayan ang sapat na serbisyo sa edukasyon, kalusugan, at imprastraktura.

“Laging sinasabing kulang ang pondo, pero saan napupunta ang pondo kung taon-taon may deficit?” tanong ng isang barangay leader na humiling ng hindi pagpapangalan.

Panawagan para sa Accountability

Hinimok ng COA na limitahan ang paggastos, palakasin ang koleksyon, at iwasan ang pag-asa sa overestimated revenue projections.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang overspending at undercollection — mga palatandaan ng isang administrasyong kulang sa disiplina sa pananalapi at accountability.

Kung hindi maagapan, posibleng maapektuhan pa ang mga susunod na taon ng serbisyo-publiko sa Kawit, at tuluyang mawalan ng tiwala ang mamamayan sa pamahalaan.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

cavite.news
cavite.newshttps://cavite.news
We, the people of Cavite, recognize that in order to achieve our goals and aspirations, we need to be empowered and well-informed of the news and events that affect us and our cities and towns. We need to have access to accurate, relevant, and timely information that will enable us to make informed decisions and take appropriate actions.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Dasmariñas barangay captain clarifies viral video of elderly vendor

DASMARIÑAS, Cavite — A barangay official in Dasmariñas clarified Wednesday that the cart and goods of an elderly vendor,...

7 Injured in Bus Collision Along Aguinaldo Highway in Imus City

7 Injured in Bus Collision Along Aguinaldo Highway in Imus City IMUS, Cavite: Seven people were injured Wednesday afternoon when...

Viral Post Slams Kawit Floods, Dark Roads, Garbage Woes

KAWIT, Cavite — A viral Facebook post by a resident has reignited public frustration over chronic flooding, unmanaged garbage,...

Police Director Leads Emergency Response After Imus Road Accident

IMUS, Cavite — A senior police official personally responded to a road accident in Imus City on Tuesday night,...
- Advertisement -spot_imgspot_img

New Miss Earth 2025 urges government to prioritize flood control projects

BACOOR CITY, Cavite — Newly crowned Miss Earth 2025 Joy Barcoma has called on the government to strengthen flood...

COA Uncovers P51.2M in Unliquidated Cash Advances in Bacoor City

Bacoor City, Cavite: The Commission on Audit (COA) has called out the Bacoor City government for failing to liquidate...

Must read

Offset Shares a Video of Cardi B Giving Birth to Baby Kulture

What was expected of her was the same thing...
- Advertisement -spot_imgspot_img

You might also likeRELATED
Recommended to you