Cavite News

Upholding Truth

Flash Report

MASAKER NA KORUPSYON SA KAWIT, CAVITE: SI MAYOR ANGELO AGUINALDO, SANGKOT SA P15-MILYONG CASH ADVANCE SCANDAL!

Kawit, Cavite – Isang nakakabiglang ulat mula sa Commission on Audit (COA) ang naglantad ng malawakang korupsyon sa pamahalaan ng Kawit, Cavite sa ilalim ni Mayor Angelo Aguinaldo. Ayon sa COA Report, umabot sa P15,493,400 na cash advances ang hindi na-liquidate at ginamit sa mga kaduda-dudang gastusin ng mga opisyal at empleyado ng munisipyo noong 2020.

Ayon sa ulat, noong 2020, naglabas ng milyun-milyong cash advances ang munisipyo para umano sa mga “special purposes” tulad ng Teacher’s Day Celebration, relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly, at ayuda sa mga senior citizens.

Pero ayon sa COA, hindi na-liquidate ang mga pondong ito kahit tapos na ang mga aktibidad, labag sa Presidential Decree No. 1445 at COA Circular No. 97-002 na nagsasabing bawal ang cash advances na hindi agad ma-settle.

Halimbawa, si Gladys Ann Mayette Alastoy, isang opisyal, kumuha ng P175,750 para sa Teacher’s Day at iba pang gastusin pero hindi na-liquidate kahit P110,000 nito. Si Novelta Luyun naman, isa pang opisyal, kumuha ng P9,999,835.33 na cash advances para sa relief operations at ayuda sa senior citizens, pero hindi rin na-settle ang malaking bahagi nito. Sa kabuuan, P15.49 milyon ang nanatiling hindi na-liquidate hanggang katapusan ng taon.

Dagdag pa rito, napuna ng COA na ang ilan sa mga cash advances ay ginamit sa mga gastusin na natapos na ang layunin, pero nanatiling hindi naibalik ang pera. Bukod dito, ang iba pang cash advances ay para sa mga opisyal na hindi na kailangang mag-liquidate agad, na taliwas sa batas. Isa pang nakakabahalang natuklasan: P3,300,000 ang hindi na-liquidate na cash advances ng Local Chief Executive, na si Mayor Aguinaldo mismo, para sa mga diumano’y gastusin ng munisipyo.

Ayon sa COA Circular No. 2015-01 at 97-002, dapat agad na-liquidate ang lahat ng cash advances sa katapusan ng taon, pero sa Kawit, hindi ito sinunod. Dahil dito, lumalabas na naabuso ang Government Equity account, na nagdulot ng malaking kakulangan sa pondo ng bayan.

Hiling ng mga residente ng Kawit na imbestigahan si Mayor Aguinaldo at mga kasamahan niyang opisyal. “Saan napunta ang pera ng bayan? Dapat managot si Mayor sa ginawa nila!” ani Mariel Claire Santos, isang concerned citizen ng Kawit.

Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kay Mayor Aguinaldo. Pero ang ulat na ito ay malinaw na nagpapakita ng malaking bahid ng korupsyon sa pamahalaan ng Kawit, Cavite.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A RESPONSE

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.