LGU and GovernanceCOA Report: Halos P130-Million Ari-arian ng Kawit LGU Hindi...

COA Report: Halos P130-Million Ari-arian ng Kawit LGU Hindi Matukoy

-

- Public Service Reminder -spot_img

COA Report: Halos P130-Million Ari-arian ng Kawit LGU Hindi Matukoy; Ari-arian Walang Tag at Numero—Talamak na Kapabayaan sa Panahon ni Ex-Mayor Angelo Aguinaldo

KAWIT, CAVITE — Isang nakakabiglang ulat mula sa Commission on Audit (COA) ang naglantad ng umano’y talamak na kapabayaan sa pamahalaang bayan ng Kawit, Cavite sa ilalim ng administrasyon ni dating Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, matapos matuklasan na halos P130 milyon ng pag-aari ng bayan ay hindi ma-verify, walang tamang dokumentasyon, at walang sapat na tag upang matukoy kung ano ang mga ito.

Ayon sa COA report sa 2020 na ngayon lang naisapubliko, may kabuuang P289,182,573.37 halaga ng Property, Plant and Equipment (PPE) ang naitala, hindi pa kasama ang mga lupang pag-aari ng bayan.

Ngunit mahigit P129,728,476.38—o higit 29% ng kabuuang PPE—ang nakarekord lamang bilang lump sum o buu-buong halaga, galing pa umano sa sirang mga lumang dokumento ng munisipyo.

Higit pa rito, nabunyag na wala ni isang ari-arian ang may maayos na Property Number o tag, na siya sanang batayan ng tamang pag-inventory at pagkilala sa mga ito, bagay na labag sa itinatakda ng Section 111 ng Presidential Decree No. 1445 at COA Circular No. 2020-006.

“Saan Napunta ang Ari-Arian ng Bayan?”

Sa kabila ng isinagawang physical inventory ng General Services Office (GSO) sa ilalim ni dating Mayor Angelo Aguinaldo, bigong maitugma ang tala ng Accounting Office at actual na listahan ng mga kagamitan.

Dahil dito, hindi masiguro ng COA kung totoo ngang umiiral ang nasabing mga ari-arian.

Nagkaroon ng seryosong kakulangan sa pagsunod sa tamang accounting at inventory procedures, ayon sa COA. Ito ay nagdudulot ng pagdududa sa integridad ng rekord ng pamahalaan.

Epekto sa Mamamayan
Para sa mga taga-Kawit, ang ganitong kapabayaan ay may konkretong epekto: pera ng bayan na dapat sana’y napunta sa serbisyo publiko—tulad ng mga gamot, pasilidad, paaralan, at ayuda—ay hindi matiyak kung napakinabangan o nawaldas.

Kapag walang maayos na dokumentasyon at pagkilala sa pag-aari ng LGU, madaling magkaroon ng korapsyon, paglustay, at ghost assets, ayon sa isang eksperto sa public finance. Ito ay hindi lamang usapin ng papeles kundi usapin ng pananagutan sa taumbayan.

Bagong Administrasyon, Bagong Hamon

Sa pag-upo ni Mayor Armie Aguinaldo, mommy ni dating Mayor Angelo, hinimok ng COA ang pamahalaang bayan na agad kumilos:

Tukuyin at kilalanin nang isa-isa ang halos P130 milyon na lump sum PPE upang maisaayos ang libro;

Magtalaga ng Property Number at tag sa lahat ng ari-arian upang hindi na ito malusutan ng anomalya.

Hindi pa malinaw kung isasampa ng kasalukuyang administrasyon ang anumang reklamo laban sa dating pamunuan.

Pagtanaw sa Pananagutan

Habang wala pang kaso na isinasampa, iginiit ng ilang residente na dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon at kung kinakailangan, panagutin ang mga sangkot sa kapabayaang ito.

Hindi biro ang P130 milyon. Yan ay galing sa buwis at pawis ng mamamayan ng Kawit, ayon sa isang public school teacher. Karapatan naming malaman kung saan napunta ang ari-arian ng bayan.

Sa harap ng lumalalim na isyu, nananatiling nakaabang ang taumbayan kung may tunay na pagbabagong isusulong sa kasalukuyang administrasyon, o kung ito’y magbubulag-bulagan sa mga pagkukulang ng nakaraang pamunuan.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

cavite.news
cavite.newshttps://cavite.news
We, the people of Cavite, recognize that in order to achieve our goals and aspirations, we need to be empowered and well-informed of the news and events that affect us and our cities and towns. We need to have access to accurate, relevant, and timely information that will enable us to make informed decisions and take appropriate actions.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Bacoor mayor seeks Marcos’ support for drainage, flood control projects

BACOOR CITY, Cavite — Mayor Strike B. Revilla has appealed to President Ferdinand Marcos Jr. for funding and intervention...

‘Vault Cutter’ Gang Hits Vape Shop in Tagaytay, Steals P237,000 in Goods, Cash

TAGAYTAY — Suspected members of the so-called “Vault Cutter Gang” looted a vape shop in Tagaytay City, Cavite, taking...

New Mount Carmel Church to Rise as Faith Landmark in Kawit’s Evo City

KAWIT, Cavite – The Our Lady of Mount Carmel Church, now in the final stages of construction in Kawit's...

P20-M worth of shabu seized in Cavite buy-bust; 2 arrested

Authorities arrested two alleged high-value drug targets and seized more than P20 million pesos worth of methamphetamine in a...
- Advertisement -spot_imgspot_img

Philippines’ longest underground irrigation system still feeds Cavite farms

The Bancod–Palauit Irrigation System (BPIS), the country’s longest underground irrigation network, continues to supply water to farmlands in Cavite...

SEC Probes Cavite’s Villar Land P1.3T Valuation

The Securities and Exchange Commission (SEC) has begun internal discussions on the reported PhP1.3-trillion-peso ($17.6 billion) valuation of Villar...

Must read

Offset Shares a Video of Cardi B Giving Birth to Baby Kulture

What was expected of her was the same thing...
- Advertisement -spot_imgspot_img

You might also likeRELATED
Recommended to you