Cavite News

Upholding Truth

Health and Environment

PGH-Cavite, Kauna-unahang Philippine General Hospital sa Labas ng Metro Manila, Itatayo sa Carmona

CARMONA, Cavite – Isang makasaysayang hakbang sa larangan ng serbisyong pangkalusugan ang itinatakdang pagtatayo ng kauna-unahang Philippine General Hospital (PGH) sa labas ng Metro Manila—ang PGH-Cavite, na itatayo sa lungsod ng Carmona.

Sa kasalukuyan, ang tanging PGH sa bansa ay matatagpuan sa University of the Philippines (UP) Manila at nagsisilbing pangunahing training hospital para sa mga mag-aaral ng medisina, partikular ng UP Manila.

Layunin ng bagong pasilidad na maibsan ang dagsa ng pasyente sa PGH Manila at mapalawak ang saklaw ng serbisyong medikal sa Southern Luzon.

Ang PGH-Cavite ay isang tertiary hospital na magkakaroon ng 600 kama at itatayo sa loob ng 200-ektaryang SM Carmona City (SMCC)—isang township development ng SM Prime katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Carmona.

Bukod sa PGH-Cavite, magiging bahagi rin ng SMCC ang bagong city hall, pampublikong terminal, palengke, kampus ng Cavite State University (CvSU) sa Carmona, isang SM Mall, mga tirahan, komersyal na gusali, at pasyalan.

Inaasahang magiging mahalagang bahagi ang PGH-Cavite sa pagpapalakas ng imprastrukturang pangkalusugan sa rehiyon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kaya at modernong serbisyong medikal sa mga residente ng Cavite at karatig-lalawigan. Isa itong hakbang patungo sa mas malawak at pantay na access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan sa bansa.


Discover more from Cavite News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A RESPONSE

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.